Tuesday, March 3, 2026

Drivers License Renewal | LTO Satellite Office SM Tungko SJDM | 2026

After five years need na ulit mag renew ng lisensya. Madami ulit nabago sa sistema. Isa-isahin natin yung mga ginawa ko. 

1. Kailangan meron kang working account sa LTO Portal, na-access mo at may access ka rin sa email address na ginamit mo sa pag create ng account sa LTO Portal.

2. Yung LTO Portal access ay kailangan para maka pag take ka ng "Comprehensive Driver’s Education" requirement na ito ngayon.

3. Magamit mo din yung access mo para makapag review ka or makapag take ng practice exam.


Yung practice exam mag take ka lang kahit mga limang beses malaki na ang tsansa mo na maipasa yung exam.

4. Requirements : 
   
     a. Pumunta muna ako sa clinic na accredited nila meron naman dun katabi lang ng opisina nila. Nagbayad ako ng P600, Eye test lang naman ginawa and kuha ng weight, height, etc. Once makuha medical result diretso na sa LTO Office.
    
    b.  Sabi sa mga nabasa ko at pati na din sa guide ng LTO online need na magtake ng exam tapos print yung results. Pero nung andun nako sa LTO Office pinag-login pa din ako sa Portal sa phone ko at pinag take ng test, tapos sa last question (#25) select mo lang yung sagot pero yung taga LTO ang mag press  ng SEND once pasado fill up ng form then biometrics (Picture, Thumbmarks), tapos wait lang na ma print yung ID.

Ang total gastos ko ay P600 sa medical, tapos P685 sa LTO (license + change address). Mga 1.5 hours din inabot. 

Flex ko nalang din, wala akong violations kaya 10 year valid yung bago kong lisensya. Malaking bagay din.





No comments:

Post a Comment

Ubuntu 24.04.4 server no gui | Display Issue on Display with less than 1980X720 resolution

While installing ubuntu server 24.04 yung setup screen is may issue sa monitor ko. Luma na kasi yung gamit kong monitor at mababa yung res...