Medyo hindi maganda ang taong 2025 para sakin. Nawalan ako ng trabaho bago matapos ang taon, nakapanlulumo at hindi maiwasang mag-alala para sa hinaharap. Maaring hindi maganda ang pagtatapos ng taon pero hindi ibig sabihin na wala tayong ipagpapasalamat. Ito ang isa sa mga natutunan ko sa buhay na kahit ano pang pagsubok ang dumating sa iyo laging merong mga biyaya pa din na dadating at ipagpapasalamat natin. Nagpapasalamat ako at napaghandaan ko ang mga ganitong hindi ina-asahang pangyayari. May sapat ako na ipon para makasurvive pa rin kahit na ilang buwan na walang trabaho.
Nawalan ng trabaho pero nagpapasalamat ako na dahil dito at na enjoy ko ng lubusan ang pasko at bagong taon. Na-celebrate ko ang mga okasyon na walang iniisip kung may pasok/shift. Masaya ako na kapiling ko ang pamilya ko sa nagdaang mga okasyon.
Para sa hinaharap na taong 2026, kailangan kong mag review ulit at paghandaan ang paghahanap ng bagong trabaho. Hindi ako pahuhuli sa skills, pero alam ko na may dis-advantage na din ako dahil sa edad. Pero saka ko na sya iisipin sa ngayon ang gagawin ko ay mag apply ng mag apply at tingnan ko may mag offer na angkop sa aking pangangailangan.
Hindi ko man hawak ang ilang aspeto ng aking kapaligiran, ang mga maaaring mangyari. Pero may mga pwede akong gawin para mabago yun or kung hindi man ay maapektuhan ang mga bagay para umayon sa akin ang kapalaran.
Salamat po sa lahat ama.
No comments:
Post a Comment