Saturday, December 16, 2023

Bakit kailangan dalawa pa ang scanner sa Airport

Obserbasyon ko lang, namasyal kasi kami ng pamilya ko sa Coron, Palawan nitong nakaraang lingo. Nung papunta kami ng Coron via NAIA Terminal 4 dumaan lang kami sa  isang scanner. Pero nung pauwi na kami via Coron Airport (Francisco B. Reyes Airport) nagtaka ako bakit dalawa yung kailangan naming daanang scanner, isa dun sa entrance after that once maayos yung booking at baggage dadaaan ka na naman sa isa pang scanner para makapunta sa boarding area.

Siguro may dahilan sila na hindi ko alam. Pero kung wala, sayang naman yung extrang scanner at higit dun sayang sa oras at abala ng mga pasahero. Nakaka inis din yung dalawang beses kang magtatanggal ng sapatos etc. Isa pa ay dalawang pagkakataon ito para duon sa mga tiwaling tauhan ng airport na makapanamantala.

Obserbayon at opinyon lang.

No comments:

Post a Comment

Exercise Journal - 20251208 - Walking at Altaraza SJDM

Medyo makulimlim ang panahon buti nalang at nakisama hindi umulan. Hapon ulit ako nag walking ako lang ulit mag isa at busy ang aking mag in...