Tingin ko modus ito ng mga delivery food rider. At least sakin specifically na experience ko sa Food Panda. Since tinamad magluto nag order ako ng fried chicken ng isa sa mga sikat nating fast food gamit ang Food Panda app. So dumating si Rider nagbayad ako (nagbigay pa ng tip), then nung paalis na ako bigla humingi ng pabor. Sabi nya "Sir hindi ko muna close yung transaction kakain lang muna kasi ako, gutom na ako wala pa pong kain, kung sakaling may tatawag sa inyo paki drop nalang po", since naawa naman ako sabi ko "sige ok lang". Maya maya nga may tumawag na, hindi ko alam pero naisipan kong sagutin. Taga Food Panda nga ang nag notice na nakarating na daw yung rider ko. Mukhang hindi Pilipino kasi hindi ako maintindihan, Sabi ko nalang sa english, palabas na ako at kukunin yung order kahit nasa akin na. Akala ko tapos na dun, pero mga ilang minuto lang tumawag ulit, since kumakain na kami hindi ko na sinagot. Nung tapos na kaming kumain, nag check ako ng phone may text message na cancelled daw order ko.
Dun ko naisip na mukhang scam yung galawan nung rider, walang issue sa side ko since nagbayad naman ako, pero lugi si Food Panda, kasi hindi pumasok sa kanila yung transaction, ang hindi ko lang alam kung may negative effect ba yun sa account ko sa Food Panda.
Anyways lessons learned, naawa pa naman ako sa Rider, yun pala budol move. Mahirap ang buhay ngayon, pero hindi naman siguro yun dahilan para manlamang. Baka sa ganyang gawain magsara yung mga food delivery service and maapektuhan yung mga honest na rider.
Peace.
No comments:
Post a Comment