Sunday, October 30, 2022

Tech Post - PLDT Modem Bridge Mode

 Ito yung mga steps na ginawa ko para baguhin yung settings ng PLDT Modem/Router (Specific Model : PRS1841U-v2) ko from router mode papuntang bridge mode.

1. Currently naka double NAT setup ako, meaning yung PLDT Modem/Router is connected directly sa personal router ko (Asus RT-AC59U V2) . Magkaiba yung network range ng PLDT Modem/Router at Asus Router.

PLDT Modem Router - 192.168.1.1/24

Asus Router - 192.168.0.1/24

2. Access yung pldt web admin interface ng modem, using the adminpldt username and password.

3. From pldt web admin interface, click WAN, PTM WAN. Once nagload yung page pull down yung Channel Mode, then select Bridge

4. After nun sa Port Mapping select lang yung Lan1-Lan4, then apply changes.

5. Once mag apply na yung changes, from the Asus router interface magiging public IP na yung naka assign sa kanya instead na private IP na provided earlier nung DHCP ng PLDT Modem Router.

Pwede nyo ring confirm through What is my public ip:

6. Running tracert makita natin na one less hop yung resolution nya. From my example running tracert against google dns ip 8.8.8.8 makita natin na wala na yung 2ng hop which is yung PLDT Modem Router

Before setting PLDT Modem/Router to Bridge Mode

After

Note 1 less hop (wala na yung hop sa 192.168.1.1)


Peace.






Saturday, October 29, 2022

Food Panda Rider Scam

Tingin ko modus ito ng mga delivery food rider. At least sakin specifically na experience ko sa Food Panda. Since tinamad magluto nag order ako ng fried chicken ng isa sa mga sikat nating fast food gamit ang Food Panda app. So dumating si Rider nagbayad ako (nagbigay pa ng tip), then nung paalis na ako bigla humingi ng pabor. Sabi nya "Sir hindi ko muna close yung transaction kakain lang muna kasi ako, gutom na ako wala pa pong kain, kung sakaling may tatawag sa inyo paki drop nalang po", since naawa naman ako sabi ko "sige ok lang". Maya maya nga may tumawag na, hindi ko alam pero naisipan kong sagutin. Taga Food Panda nga ang nag notice na nakarating na daw yung rider ko. Mukhang hindi Pilipino kasi hindi ako maintindihan, Sabi ko nalang sa english, palabas na ako at kukunin yung order kahit nasa akin na. Akala ko tapos na dun, pero mga ilang minuto lang tumawag ulit, since kumakain na kami hindi ko na sinagot. Nung tapos na kaming kumain, nag check ako ng phone may text message na cancelled daw order ko.

Dun ko naisip na mukhang scam yung galawan nung rider, walang issue sa side ko since nagbayad naman ako, pero lugi si Food Panda, kasi hindi pumasok sa kanila yung transaction, ang hindi ko lang alam kung may negative effect ba yun sa account ko sa Food Panda.

Anyways lessons learned, naawa pa naman ako sa Rider, yun pala budol move. Mahirap ang buhay ngayon, pero hindi naman siguro yun dahilan para manlamang. Baka sa ganyang gawain magsara yung mga food delivery service and maapektuhan yung mga honest na rider.

Peace.

Exercise Journal - 20251208 - Walking at Altaraza SJDM

Medyo makulimlim ang panahon buti nalang at nakisama hindi umulan. Hapon ulit ako nag walking ako lang ulit mag isa at busy ang aking mag in...