Nakapagwalk ulit kahapon, hindi ko agad na post medyo busy. 3km lang bumaba kasi yung sugar while walking and wala akong dala na kahit anong may sugar na pwedeng makain kaya nag madali akong makauwi agad sa bahay. Kaya mas prefer ko na mag kotse or scooter papuntang Altaraza kasi may magamit na service pauwi or like sa ganitong sitwasyon may emergency. May mga ilang instances na din na nangyari sa akin ito and usually alam ko na pag bigla akong nahilo or nanginginig bigla ako. Kailangan ko lang makakain kahit 2 kutsara ng honey then after 15mins usually ok na ako. Mahalaga din na may glucometer para macheck yung sugar level.
Saturday, December 13, 2025
Monday, December 8, 2025
Exercise Journal - 20251208 - Walking at Altaraza SJDM
Medyo makulimlim ang panahon buti nalang at nakisama hindi umulan. Hapon ulit ako nag walking ako lang ulit mag isa at busy ang aking mag ina kaya hindi nakasama. Nakalimutan kong i -off yung walking mode ng smart watch kaya hindi accurate yung mga data naka display.
Wednesday, December 3, 2025
Exercise Journal - 20251203 - Walking at Altaraza SJDM
Nice walk again today. Ako lang mag isa busy kasi yung daughter ko and si wife naman nakapag walking na ng morning. Medyo late na ako naka alis ng bahay kaya inabot na ng dilim sa Altaraza, goal ko lang na maka 4K today kaya after nun uwi na din agad.
Tuesday, December 2, 2025
Exercise Journal - 20251202 - Walking at Altaraza SJDM
Masarap ng maglakad ngayon, malamig na ang hangin. Able to do my walking this morning. Iba pa rin ang exercise sa umaga para sakin mas nakakasigla at maaliwalas.
Subscribe to:
Comments (Atom)
-
Raspberry Pi OS Download Link https://www.raspberrypi.com/software/operating-systems/ Note: For raspberry pi zero w choose 32bit and Lite ...
-
Update: Bumalik ulit yung issue after reboot. Nag try ako humingi ng recommendation kay Gemini, Ito yung mga steps na binigay and nag work i...
-
Ito yung mga steps na ginawa ko para baguhin yung settings ng PLDT Modem/Router (Specific Model : PRS1841U-v2) ko from router mode papunta...

















