After almost a month of having no dentures, Sa wakas at nakapagpasukat na din at maayos namam ang lapat. Nagka singaw nga lang nung mga unang araw tapos yung sa baba maluwag need pa ng denture adhesive para hindi gumalaw. Normal lang daw sabi nung denture technician kasi manipis daw yung gilagid ko and wala ng makapitan yung pustiso. Ok na sa akin siguro pagawa nalang ng bago pag talagang maluwag na. Mura lang naman pagawa ko kumpara sa quote sakin nung dentist na nagbunot sakin. Buti nalang talaga at nalaman ko yung mga denture shops sa mendiola malaki din nasave ko.
Tuesday, November 25, 2025
Sunday, November 23, 2025
Exercise Journal - 20251122 - Walking at Altaraza SJDM
Able to squeeze some time to do some walking. Buti nalang at hndi umulan, hapon na ako nakapag lakad, malamig na ang hangin at hindi ganun kadami ang tao sa Altaraza kaya kumportable yung walking session ko.
Friday, November 21, 2025
Exercise Journal - 20251119 - Walking at Altaraza SJDM
Matagal na din akong nag walking as form of exercise since nakalipat dito sa Bulacan. Hindi ko pa din napa ayos yung folding bike ko kaya walking nalang muna. Simulan kong mag post dito para may ma review ako at way na din para ma motivate ko sarili ko na ipagpatuloy ito para lalo pang mapabuti ang aking kalusugan.
Saturday, November 1, 2025
Paalam Putol
Lost someone precious today. Namatay na yung isa naming ampon na stray cat, we call him Putol. Putol kasi yung front left foot nya. Sya yung unang pusa nag tumambay samin nung lumipat kami dito sa Bulacan. After nun madami ng nagsunuran sa kanya dumami na yung mga ampon namin. Kahit na ampon lang trinato naman namin silang maayos, 3X a day namin pakainin and yung mga babae pag pwede nang ipakapon pinapakaon na namin.
Si Putol suplado pero tahimik at chubby. Napamahal na rin sakin kaya nakakalungkot na bigla nalang syang umalis. Pero at least hanggang sa huling sandali naparamdan namin yung pagmamahal namin sa kanya naprovide namin sya ng disenteng libing at napa cremate namin sya para makasama pa rin namin sya kahit spiritually sa bahay.
Maraming salamat sa lahat Putol, Magpahinga ka na, Kita nalang tayo ulit.
Exercise Journal - 20251208 - Walking at Altaraza SJDM
Medyo makulimlim ang panahon buti nalang at nakisama hindi umulan. Hapon ulit ako nag walking ako lang ulit mag isa at busy ang aking mag in...
-
Raspberry Pi OS Download Link https://www.raspberrypi.com/software/operating-systems/ Note: For raspberry pi zero w choose 32bit and Lite ...
-
Ito yung mga steps na ginawa ko para baguhin yung settings ng PLDT Modem/Router (Specific Model : PRS1841U-v2) ko from router mode papunta...
-
Pangatlong beses na simula nung Agosto na nawalan kami or sobrang hina ng Internet connection namin gamit ang Smart Cellular. Buti nalang pa...






