Simula ng mauso yung digital camera ang dami ko ng naipon na mga photos and videos minsan hindi maiwasan na ma-save mo sila ng ilang beses sa magkaibang folder. Sa paglipas ng panahon unti unti silang naipon at hindi ko na naisipang sinupin.
Itong mga nakaraang araw since wala namang ginagawan naisipan kong maglinis ng mga photos and videos na nasave ko. Since naka linux na ako nagpasearch ako kung may mga tools or script na pwedeng gamitin pang hanap ng duplicates files. Syempre since linux mas OK kung command line tools.
Dito ko nadiskubre yung rdfind, simple lang na command line tool pang hanap ng duplicate files tapos depende sa option na pipiliin mo pwede mong delete yung duplicates or gawan mo nalang ng soft links or shortcut.
Once ma install na pwede ka muna mag run ng dry run tapos check mo yung results.txt na file para makita kung ano yung mga nakita na duplicates and matantya mo kung ok ba yung list at ituloy yung command.
rdfind -dryrun true /path/files
Mas prefer ko na mag create ng shortcuts in place nung mga duplicates files para makita ko kung saan yung directory or path nung original files.
rdfind -makesymlinks true /path/files
Ito yung output nung folder kung saan ako nagsave ng video files halos 180gb din yung nasave after madelete yung mga duplicates.



