Sunday, October 20, 2024

How to disable Client Isolation on Guest Network of Asus Routers


Medyo natagalan din akong makahanap ng solution sa issue na to ng ASUS Routers. Pero baka applicable lang ito sa ASUS routers na meron ako.

RT-AX1800HP and RT-AX1800HP

Ang issue ay yung guest wifi network client isolation as naka enable by default. Ibig sabihin yung mga device na naka connect sa guest wifi network ay hindi pwedeng magkakitaan. So hindi pwede mag file sharing or any services na kailangan ay magkakitaan sa network yung mga device.  

Need ko kasi na ilagay sa separate network yung mga Security Camera ko at yung iba ko pang IOT device like yung automatic pet feeder. Which sa case ko since walang VLAN capability yung ASUS routers ko, ang nakita kong option ay ilagay sila sa separate na wifi network (GUEST network).

Ito yung mga steps na ginawa ko para ma disable yung client isolation  sa Guest Network.

1. Kailangan i-enable yung ssh access


2. Pag na enable na yung ssh service, mag login gamit kung ano yung prefer mong ssh utility sa case ko putty. Yung username and password same lang gamit sa paglogin sa web interface ng router.




3. Once nakalogin na eto yung mga commands na gagamitin:

Itong command na to ay para makita natin yung mga network na naka enable yung client isolation

nvram show | grep isolate=1





4. Base sa output may 3 akong wifi network na naka enable yung client isolation. Hindi ko din ma-identify kung ano dyan yung specific na guest network na kailangan kong i-enable. Ang ginawa ko nalang ay may naka open akong command prompt na may nakamonitor na ping sa isang device na naka connect na sa guest network and isa isa kong dini-disable yung mga naka list na wifi ssid na naka enable yung client isolation.

Once makita ko na nag reply na yung ping irevert ko lang yung mga na disable ko ng network while retain yung network kung saan gumana na yung ping.


Eto yung command sa pag disable ng client isolation



Note: need na gawing 0 to disable.

nvram set wl0.2_ap_isolate=0
nvram commit
service restart_wireless










Exercise Journal - 20251208 - Walking at Altaraza SJDM

Medyo makulimlim ang panahon buti nalang at nakisama hindi umulan. Hapon ulit ako nag walking ako lang ulit mag isa at busy ang aking mag in...