Saturday, January 20, 2024

BSP Coin Deposit Machine Experience

Matagal tagal ko na ding nakikita sa news itong coin deposit machine ng Bangko Sentral. Maganda yung layunin nya na ma re-introduce uli yung mga barya sa ating merkado. Usually kasi pag mga barya naiipon lang sa garapon or alkansya sa bahay. Ang resulta nito nagkakaroon tayo ng artipisyal na kakulangan sa barya.

Bago ang Coin Deposit Machine ang mga naipon kong barya pinapapalit ko lang sa mga tindahan or sa mga gasolinahan. Ang problema pag ganito mag aantay ka magkaroon sila ng oras para ma entertain ka nila at kadalasan hindi tugma yung mga oras nyo. Dito naman may nagtip sakin na imbes na sa tindahan or ano mang establishment mas maganda na magpapalit nalang sa bangko. Ok din ito simula nun sa bangko nalang ako nagpapapalit, may sistema at higit sa lahat naka aircon. Ang isa lang issue na nakita ko dito pag nakita na ako ng teller na may dalang bag ng barya medyo sumisimangot na. Hindi ko naman masisi kasi nga matrabaho ang magpalit ng barya sa bangko kahit sabihin pa na naka segregate na yung mga barya at may bilang, kailangan pa din nila i double check.

Karamihan sa mga issue na ito ang nasagot ng Coin Deposit Machine. May staff pa din nung contractor (yes contractor hindi direktang si BSP ang mag-manage ng mga machine) na mag assist sa mga gagamit nung makina, pero minimal lang ang interaction nila. Assist ka lang sa pag gamit ng machine. Hindi mo na kailangan i-sort yung mga barya basta ihulog ko lang sa bin bahala na sya magbilang. Pero base sa experience ko hindi accurate yung pagbilang nya short ng php8 pesos yung bilang ng makina at least nung time na ginamit ko sya. Alam, ko kung magkano yung kulang kasi bilang ko yung dala kong barya at nai sort ko sya. At hindi kagaya sa bangko pag delapidated yung coin hindi tatangapin sa machine. Yung delapidated coins pwede naman gamitin sa sari sari store.

Tip ko lang at least siguro ngayon bago palang yung sistema na ito. Mas piliin nyo muna yung gcash instead na maya. Maya kasi yung preferred ko na pagdepositohan kaya lang nagkaroon ng error nung ideposit na yung amount nung pinalit kong barya sa Maya. May resibo naman na print ng machine at na coordinate naman nung staff sa office nila yung issue ko kaya nadeposit din yung amount kinabukasan. Yung sumunod na gamit ko gcash na pinili ko at mas maayos yung resulta received kaagad yung amount.

Eto yung isa sa mga resibo ko.



 










Base sa ilang beses na paggamit ko ng BSP Coin Deposit Machine, masabi ko malaking tulong sya sa mga tao na gusto ipalit ang kanilang mga barya. Mas mabilis ang proseso kahit na merong ilang maliit na kakulangan na sa tingin ko matutugunan naman kalaunan. 

Yun lang. Peace.

Wednesday, January 17, 2024

Mga Plano sa taong 2024

Bagong taon panibagong pakikibaka. Ito sa tingin ko ang literal na kakaharapin ko sa taong 2024. Buong buhay ko sa Maynila ako lumaki: tondo, gagalangin, sta. cruz, sampaloc, sta. mesa, pandacan etc. yan ang mga lugar na kinalakihan ko. Nito lang mga nakaraang bwan lumipat na kami ng aking pamilya sa nabili naming bahay dito sa Bulacan.

Muzon lang naman sa San Jose Del Monte Bulacan, halos bukana lang ng Metro Manila, boundary namin ay Novaliches, North Caloocan. Masaya naman ang mga naunang bwan ng pag tira namin dito halos may feeling pa rin ng pagiging probinsya.Sa trabaho naman nag-aarala ako ng bagong technology yung technology na inaral ko ng halos sampung taon hindi na gagamitin ng project ko, kaya kailangan aralin ko yung bagong gagamitin nila. Hindi naman bago sakin dahil kahit paano ay may karanasan na rin ako sa Cloud Technology, azure related nga pala yung platform namin from Microsoft. 

Target ko na makapasa kahit isa lang muna sa mga entry level certification nila. Then after that siguro tingin ako ng iba pang pwedeng kuhanin na related sa trabaho. Sana magtagal pa ako dito sa company ko medyo kinakabahan na din ako kasi hindi na ako bata. At pag ganitong BPO company usually mas prefer nila yung mga bata kasi hindi pa kalakihan ang demand sa sweldo. 

Gusto ko rin dagdagan pa ang mga investment ko. Tingin tingin uli ako ng mga funds na pwedeng kuhanin. Lastly speaking of investment mag invest din ako sa sarili ko. Una health wise kailangan kong magbawas pa ng timbang mabigat pa rin ako sa 85kilogram. Target ko na mapababa kahit 80kilogram lang muna. Tapos gusto ko rin mag aral ng mga technology na pwede kong magamit once nag retire na ako or pwede kong gawin as sideline. 

Gusto ko din pala mag start ng vlogging channel sa youtube, may mga naupload na akong short videos. Pero baka itry ko na gumawa ng mga medyo mahabang video, walang specific na topic, basta sa tingin ko ay may mapupulot na tips or may maitutulong gagawan ko sya ng video.

Yun lang muna. Peace.

Exercise Journal - 20251208 - Walking at Altaraza SJDM

Medyo makulimlim ang panahon buti nalang at nakisama hindi umulan. Hapon ulit ako nag walking ako lang ulit mag isa at busy ang aking mag in...