Halos 2000km na din natakbo ng scooter ko, time na para mag change oil. Walang mabiling genuine honda scooter oil sa Honda 3s shop malapit samin. Medyo duda naman ako sa mga langis na tinitinda sa mga shop samin, kaya nag decide ako na sa malapit na Gasoline Station ako magtanong.
May malapit na PTT samin, eto yung binigay sakin nung gasoline boy nung nagtanong ako kung ako langis nila na pang scooter. Alam ko na 10w30 ang recommended ni Honda para sa click. Pero dahil nagmamadali nako at walang choice kinuha ko na din, Php 265 nga pala yung langis 1liter semi synthetic lang.
Gear oil meron naman akong nabili sa 3s shop, bumili din ako ng drain washer perho hindi ko ginamit kasi sa side na drain ang ginamit since matagal na din ng huli kong malinisan yung pangsala nya.
Yung huling picture nakita ko lang sa used oil ko parang mga beads na salamin, hindi ko alam kung saan nanggaling, kung metal shavings pa sana maintindihan ko kung bakit meron yung langis.