Saturday, December 31, 2022

Mga Pagmumuni sa nakalipas na taong 2022

Masaya, Mapagpala, at Makatuturan sa akin ang taong 2022. May mga munting pagsubok na dumaan pero nalagpasan naman lahat. 

Unang bahagi ng taon medyo may mga pag aalangan. Naisipang lumipat ng trabaho dahil nabobored na sa mga routinary na gawain. Pero napaisip na mas mahusay pa rin na merong permanenteng trabaho. Mahigit 5 taon na ako sa aking kasalukuyang kompanya at nanghinayang din sa mga samahang nabuo ko na dito. Ang naisip kong solusyon mag aral ng panibagong skills, kumuha din ako nga mga freelance work para maalis yung suya sa aking pang araw araw na trabaho, at least may extra ita pa.

Dumaan din ang eleksyon, disaapointed sa resulta pero gaya nga mga nakaraang eleksyon tanggapin lang ang resulta, at magpatuloy na harapin ang buhay. Umaasa pa rin ako na magbabago din ang pamantayan ng nakararaming PIlipino sa pagpili nila ng kanilang iboboto. Nakakalungkot lang na ang ating bansa ay pinapaandar lamang ng iilang pamilya e.g. Marcos, Arroyo, Estrada, Cayetano, at Villar mga hlimbawa lang. Sana sa susunod mabigyan din ng pagkakataon ang mas may kredibilidad at mas may talinong nais kumandidato.

Pagkatapos ng dalawang taon, Naka attend na din ng mga gatherings nakakapanibago na maka attend ng mga Christmas/Year End Party. Iba pa din talaga ang pisikal na makisalamuha sa mga kaibigan at kakilala, mas masarap ang kwentuhan at tawanan, kumpara sa mga virtual meetings.

Sa gabay ng Maykapal gaya ng nakaraaang taon gagawin kong makabuluhan ang susunod na taong 2023.

Yun lang Peace.

Exercise Journal - 20251208 - Walking at Altaraza SJDM

Medyo makulimlim ang panahon buti nalang at nakisama hindi umulan. Hapon ulit ako nag walking ako lang ulit mag isa at busy ang aking mag in...